
Story time! Kaninang hapon kasi nagorder ako sa mcdo. Nagugutom na ako eh and wala ako sa mood pumuntang school kasi malayo.
Tapos... nagtataka ako why yung delivery guy is so tagal. Naiinis na nga ako kasi mha bandang 1pm ko un inorder tapos 3pm malapit na din mag alas kwarto wala pa. Yun pala is kanina pa niya ako tinatawagan sa phone kong nagchacharge!!! Akala ko kasi same lang delivery rider na pumupunta dito yung magdedeliver, hindi pala.
Lesson learned na sakin 'to.
At dahil bago lang siya dito, di niya alam pasikot-sikot dito samin, umabot ng 30 minutes kaming magkacall at iyan yung pinaka matagal kong call sa diko kilala last na nakacall ko na diko pa kilala is si @demotry umabot ata kami ng 20 minutes or more sa call dati.
I'm bad at direction din kasi kaya lagi ko naglalagay ng Landmark sa address ko. Lagi ko nilalagay yung compound name namin if ever na mag ask man sila sa mga taga dito samin kasi baka alam nila. But failed si kuya kasi magulo daw yung Address at Landmark na nilagay ko.
After kami nagusap at nalaman niya if saan ako nakatira, sinundo ko nalang siya don sa tapat ng papasok papunta samin kasi 4 yung papasok na way sa Brgy. namin.
Hindi pa mandin ako naligo sa mga oras na 'yon at buhaghag pa yung buhok kong lumabas. Napapaisip ako sa itsura ko sa mga oras na yun kasi hindi ko naman inexpect na binata pala yung mag hahatid ng pagkain ko. Akala ko kasi gaya ni Manong na madalas magdeliver dito. Nagmadali akong lumabas at wala na ayos-ayos kasi baka nainip siya sakin na sagutin yung tawag kanina or what.
Fast forward...
Noong nasa tapat ko na siya is nalula ako sa motor talaga niya. Hindi ko alam if anong brand and design pero halata na pang mayaman. Sa isip ko kanina, "Ganyan na pala ngayon ang mga delivery riders." Wag nyo sana mamasamain kasi bilang poorita person, nasanay ako na puro mga matatanda yung nagdedeliver samin at madalang lang yung ganito na magdeliver ng parcels namin or pagkain na inoorder online. Aware din naman ako na may mga student na nagpapart time job pero diko naman talaga inexpect na ganyan yung magpapartime job sa mcdo.
Okay, dito ako natatawa sa sarili ko kasi akala ko si Christian Albert Gaza na yung nasa harapan ko. Jusme! Akala ko chichismisan ako ng panibagong chismis. Tsarot! Pano naman kasi anteh kamukhang-kamukha niya tapos maputi din siya. As in sobrang puti at kutis mayaman si Kuya. Nahiya ako tumabi. Gusto kong tanungin if anong brand ng sabon niya para matry ko din. Eme
Hindi ko pinalahata sakanya yung pagiging ignorante ko syempre nakakahiya kaya baka ano isipin niya. Syempre humingi siya ng paumanhin sakin kasi baguhan lang siya dito samin at di pa siya aware sa pasikot sikot sa baryo namin ganyan, humingi siya ng paumanhin na dapat di naman dapat kasi ako yung nagtagal sumagot ng tawag kanina kaya humingi din ako paumanhin. Ang nakakatawa pa kamina eh parang tropa-tropa lang kami kung magusap na dalawa kahit di namin kilala ang isa't- isa. HAHAHA
Kahit ang MBTI type ko is may "I". Alam ko pag sisisihan ko nanaman yung actions at yung words ko after which is habang tinatype ko ito eh napapaisip at overthink na ako if tama lang ba naging actions ko sa harapan niya aftee the conversation.
IMBIS na bumusangot ako kanina na umuwi bitbit ko yung mga pagkain ko, at mag reklamo kasi lusaw at di na ganun kalamig yung McFloat ko, para akong shunga sa daan papasok doon sa compound namin. Buti nalang kami kami lang nakatira sa compound at wala nakakita sakin baka magmukha pakong baliw sa paningin ng iba.
Andami ko sinabi sa daan like, "Shut- ang pogi nung nag deliver!", "Ay beh kahit lusaw na yung McFloat ko pogi naman yung nagdeliver", "Para siyang Si Christian Albert Gaza yaw-", "Nakakapagod maglakad pero sulit naman mapagod" ganyan-ganyan.
Kilala ko naman yung manager ng Mcdonald branch na pinag-orderan ko. Kaklase ko siya noong HS kami. Nakalimutan ko kasi tanungin yung name niya enebe tatanungin ko sana siya about him pero wag nalang nakakahiya.
Kaya ginawa ko pagkauwi, Kumain nalang ako. Ano purpose ng title ko? Wala. May number si kuya sakin pero di ako yung mag fifirst move kaai baka may asawa na yun or jowa. IF siya parin mag dedeliver ng order ko next time maniniwala na ako na may True love sa Mcdo. CHARING! Pero ang sayang lang kasi di ako nakapag papicture sakanya para sana maintroduce ko na siya sa Mama kong may Boyfriend na ako. Ay halla si Delulu!
Share ko lang naman yung moment na nadanasan ko kanina kasi unexpected na maka incounter ang person ng isang pogi at mukhang mayaman na binatang ('di natin sure if binata paba) nag papartime job.
'Yun lang naman! Salamat sa pagbabasa sana nag enjoy ka sa moment ko. Ship niyo ako sakanya please :(
PUBLISHED BY: @xanreo
DATE: January 8, 2024